adam-blog1

O sige, sige.. may pagka-pilingero ako sa pamagat ng sanaysay na ito. Syempre, kailangan kong dagitin ang atensyon mo! Di ba epektibo? Hehe.

Nananahimik akong naghahapunan noong bandang gitna nang Enero, nang si Mabolo ay binulabog ako nang biglang nagpadala nang mensahe sa akin, “Si Adam Lambert“. Syempre, sino ba naman si Adam Lambert noong panahon na yun!? Di ko siya kilala. Kaya nag-reply ako: “Sino!? Ano!?”. Sumagot muli, “..American Idol, kamuka mo!Syempre, yaman din lamang libre ang internet namin sa bahay, hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at tiningnan ko na kagad ang larawan nang ungas na sumisira sa imahe ko. Naks.

Napanood ko ang kanyang pag-awit mula sa awdisyon. Hindi doon nagtapos ang aking pagkalkal sa kung sino ba itong si Adam. Sabi nga ng guro ko, kailangan lahat ng bagay at aspeto ay pagmasdan bago dumating sa konklusyon. TAMA! Tinamaan ako ng magaling. Kinikilabutan ako na para bang may malamig na hangin na umihip sa likod ko habang pinapanood ko ang buong palabas. Kinilig din ako na tila ba naiihi ako sa pagkabalisawsaw. Parang ganun. Alam mo na yun!

Kinabukasan, nagkita kame ng mga kaibigan naming Chinoy sa Binondo para sa misa ng Chinese Nu Yir. Nabanggit sa akin na may kamuka raw ako sa naturang palabas. Alam ko na… kumalat na ang ebola. Hindi ko na maaapula ang pagsikat ko dahil sa husay at taglay na “arrive” nang GUMAGAYA SA AKIN na si Adam. Bwahaha. Iilan lamang ang mga babasahin ukol sa kanya sa internet. Dahil na rin siguro sa hindi pa siya masyadong nakikilala sa larangan nang telebisyon, sapagkat siya na rin mismo ang nagsabi, ang entablado ang kanyang tahanan.

Pilit ko mang hindi isinasaksak sa utak ko ang aming pagkakahawig ay naintriga talaga ako, at inaamin ko, lumala ang pagka-pilingero ko na kame ay magkabungo. Inabangan ko siya bawat Linggo sa mga dumaan na palabas nang naturang kompetisyon. Maging ang aking AVATAR sa YM ay naging larawan ni Adam na may 3 o 4 na kataong napagkamalang akin nga ang imahe. Umigting ang aking pagkiling sa kanyang presensya. Habang siya ay nakikilala at nakikilatis, dumarami rin ang aking taga-hanga. Harhar. Dumami ang nakaalala sa akin, maging ang mga taong matagal ko nang hindi nakakausap o nakikita ay nagteks. Saan man ako mapunta, sa opisina, paaralan, kliyente at kung saan-saan pa… eto na ang aking “BIG BREAK”. Sa kabila nang kanyang kasikatan, si Adam ay nanatiling tapat sa kanyang pangarap na pasikatin ang AMING BITUIN. Naglabasan rin ang mga hindi kaaya-ayang balita ukol sa kanya sa kabilang banda, gaya nito.

Sabi ko na nga ba. Si Adam ang sagot sa aking karukhaan at di na ako  muling mababaon sa utang kung susuwertehin! [Salamat na rin kay Emz, na nagdildil sa akin na isulat ang blog na ito.. sa paniniwalang makakatulong ito sa karera ko. LOL]

Upang hindi naman isipin ng nakararami na umabot na sa utak ang lahat, nagpatabas ako nang buhok. Para lang ipakitang hindi ako ang tipong nakikisakay lang sa kasikatan nang iba. SILA ANG SUMASAKAY SA KASIKATAN KO! *tumbling tayo*

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.