LINGGO SA SEMENTERYO

May 7, 2008

Putakte.

Nasa sementeryo kame nung Linggo.

Niyaya lang ako ng kachoir ko na dalawin raw namen yung tiyahin niya dahil araw ng kamatayan nito. Bale nagiisang kapatid na babae raw ito ng tatay nya. Syempre… dahil kaladkarin nga ako, sumama ako kaagad kahit medyo makulimlim na nuon dahil tag-ulan sa mahal kong MAKATI.

Sa madaling sabi, hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at sumama na kaagad kahit na sando lang ang suot ko.

Ikot dito. Ikot doon.

Kala ko naman, alam na niya yung hinahanap naming na puntod. Syempre ikot pa ren. Kasi nalimutan nya raw. May mga nitsong may disenyong naglalakihang Anghel at Krus ang nakita namen sa ibabaw ng mga mala-higanteng libingan sa South Cemetery [Oi.. plugging! Wahaha!]

Lahat na ng pinanganak na halos kasabayan ng tatay ng kaibigan ko e tiningnan ko na sa bawat lapida. BUWISET talaga… tagaktak na pawis ko sa kakaikot. JABBAR ito eh! Napagpasyahan namen na maghiwalay na lang para mas mabilis namen Makita ang puntod.

Ilang sandali pa ay narinig ko nang tuwang-tuwa ang kaibigan ko ng makita niya ang hinahanap namen. “ETO NA SI TITAAAA!” — Jusko. Salamat po after 2 hours nakita na ren namen.

Paglapit ko… napamura ako sa gitla. NAMP***! Sabi ko, “Bakit di mo kagad sinabi!? Sabi mo tita mo!?”

“Oo nga, tita ko… kaya lang namatay siya sa sakit nung 4 months pa lang siya!”

HANEP.

Malaki pa sa kahon ng sapatos ko ang libingan niya. Nampotek. Eto pa, nakalublob sa baha ang libingan ng pobreng matanda… este bata.

Loob-loob ko na lang e, hindi sakit ang kinamatay ng tiyahin niya… kundi LUNOD! :D Bwahaha!